Filed under: Uncategorized
(May nag-email sa kin na friend ko… sabi niya konyotic daw ako masyado mag-Ingles sa blog ko kaya nakakaintimidate daw basahin…naisipan ko tuloy mag-Tagalog para maiba naman, tutal malapit na naman ang Linggo ng Wika…[next month pa pala]…so here goes today’s entry…)
Wednesday na naman at umuwi na naman akong sawi mula sa Environmental Chemistry class….badtrip =( …nakakafrustrate =(…gustuhin ko man siya maintindihan, di ko talaga kaya =( …. so nagdrowing na lang ako sa notebook during classhours imbis na magbalance ng chemical equations o makinig sa mga bagay na mahalaga ngunit di naman kayang macomprehend ng powers ko…
Madalas ma-carried away si prof sa chemical formulations niya habang yung mga matatalino ko naman na kaklase sobrang hanging on to every word that he says…nainggit tuloy ako at naisip ko tuloy, ‘Buti pa sila, naiintindihan nila si prof…bakit ako hindi? Bobo na ba talaga ako?”…
(Flashback…Naalala ko tuloy nung highschool pa ako…buti na lang by partners ang labwork kasi pinapabayaan ko lang na siya ang gumawa ng labwork namin habang kumukopya ako ng lyrics sa songhits o mag- F.L.A.M.E.S… those were the days…wala talaga akong magawang matino dati pa…. yan tuloy…wala tuloy akong matinong basic knowledge sa chemistry ngayon…)
Maraming beses na gusto ko na lang sabihin kay prof… “Sir naman! Puwede ba? Tigilan na natin toh! Di po ako naniniwala sa atoms eh! Imahinasyon lang yan ng mga taong masyadong malawak ang utak…Bakit natin pinag-aaksayahan ng oras ang mga invisible molecules, neutrons, stoichiometry at kung anu anung orbital valence shells at isomers chuva na yan? To see is to believe…nakakakita na ba kayo niyan at importante ba talaga na malaman natin ang radius ng x atom?…” (yez, halatang malalim talaga ako mag-isip diba? =)
(Note to myself: bukas na bukas, bibili ako ng Intro to Chemistry na libro sa National Bookstore tulad nung dinala ni Mei kanina sa klase at di ako magba-blog hanggang talagang maintindihan ko na yung topic namin…pramis)
This reminds me of that saying na…”It is better to keep your mouth shut and be presumed stupid, than to open your mouth and erase all doubts”! =) ehehe….
Anyways…just thought I’d post this forwarded thingy from my friend Sheyan:
“Mga bagay na gusto mong sabihin kay Boss pero hindi puwede”
1. Ano!? Yan lang di niyo pa kayang gawin at iuutos niyo pa sa akin?
2. Sir, makinig kaya kayo sa akin!? Pwede?
3. Puwede ba, busy ako… Mamaya na lang yan
4. Hoy! Ikaw, halika nga rito at tulungan mo ko!
5. Absent po ako today. Wala lang…tinatamad lang ako pumasok
6. Sir, bili niyo naman akong yosi. Sige na! Sa inyo na lang po yung sukli.
7. Uwi na po ako ha. Bahala na kayo dito sa opis..
8. Bakit po pag kami walang ginagawa pinapagalitan niyo kami? Pero
bakit pag kayo ok lang?
9. Akala niyo ba magaling kayo?
10. Kung totoong nag-client call kayo patingin ng service report niyo!
11. Sagutin niyo naman yung telepono, total ang lapit mo na eh
12. Kayo itong may pa-kotse tapos ako uutusan niyo pumunta sa meeting? Hello?!
13. Ano?!! Di niyo alam mag-print? Sayang ang laptop niyo.
14. If you really think it’s that important, eh di ikaw gumawa.
15. Sir, magkano suweldo niyo?
16. Ang sarap po siguro ng trabaho niyo no? Biro niyo utos lang kayo
ng utos samin tapos wala ka naman ginagawa
17. Ngayon na due ito? Eh di kayo gumawa!
18. If you need me, bukas na lang. May date po ako eh.
19. Huwag nga kayong makialam samin!
20. Huli kayo! Nanonood din pala kayo ng VCD ha!
21. Tsk tsk tsk, yan na nga ba sinasabi ko e. Ayaw niyo kasi makinig sakin.
22. Hindi po bottomless pit ang MS Outlook Inbox mo. Talagang titirik
ang PC niyo kung hindi kayo magde-delete ng email!
23. Kabit nyo po ba yung prinomote mo?
24. Bukas ko na lang po gagawin yung pinagagawa niyo ha? Nakikipag-chat pa ako eh
25. Aha!!! Sir bakit kayo naglalaro ng games!? Bawal yan ah!
26. Ang OA niyo naman. Kino-complicate niyo pa ang mga simpleng
problema para lang magmukha kayong may alam.
27. Ma’am huwag na po kayong mag-english. Lalo lang pong nagiging
obvious ang pagiging tanga niyo.
28. Sana po pwede ko rin kayong i-evaluate diba?!
29. Kung ano man po ang kasalanan ko ay kasalanan niyo rin. Boss ko kayo eh.
30. If challenges are more important than financial rewards,tignan nga natin kung anung say mo kung mag-trade tayo ng suweldo!
31. Sir, umabsent naman po kayo paminsan-minsan. Masaya po kasi ang
buong office pag wala kayo eh.
32. Hello? Di naman kasama sa job description ko to ha!
…mejo hanggang #74 siya pero I decided to modify and shorten the list instead….kung gusto mo yung whole list, let me know para ipadala ko sa iyo….pero mag-aaral muna ako ng chemistry bago ko yun mapagtuunan ng pansin =)
.
10 Comments so far
Leave a comment
Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
i just want to wish you luck on your soon to be journey in the amazing world of chemistry! hehehe… i do hope you master this subject soon para i wouldnt wait long for your next “intimidating” blog entry =) i know we arent that close but reading your thoughts in cyber space sort of bridges that “gap”… grabe i never knew that i was related to someone as deep and wonderful as you =)
SHaDoW 07.06.05 @ 11:37 amhay naku! pano kaya ma-balance ung equations sa chemistry kung iba na isip!? nakikita mo na sa mga drawing nya eh…. buti pa bumalik ka na lang dito sa INQ7, masaya pa dito hehehehe yan eh kung papayagan ka! anyway, go dear! kaya mo yan… set a time for him and set most of your the to him, you know i mean
sky 07.06.05 @ 12:03 pmcorrections(sorry inaantok na): set a time for him but set most of your time to him… hehehe labo ba? alam mo na ibig kong sabihin
sky 07.06.05 @ 12:07 pmChelle mahal,
sorry, but if you really love nature you have to learn chemistry… why? (hmmmm…. oo nga anu…) wala lang parang cute lang pag-aralan kse parang magandang pakinggan yung subject… anyways… 1 piece of advice dont ever in anyway change your style in writing… gusto ko na yun e’… ifever there are few commenting about your original style just ignore them… they are maybe plain jologs who are not into reading (mahilig lang manood ng tv) but in any event you decided stick to this new style of yours baka manood na nga lang din ako ng TeeVee (and worse i may lose this feeling for you… mahal na kita remember… ha! ha! ha! ha!) … i love those sketch of yours ha!? magaling ka talaga…well for me if there is something intimidating about you, it is your beauty and brain combined together, really a killer… and its a good thing naman for you… keep up… another thing is try to look for a chemistry book authored by Mcgyver siguro… its proven… love lots - jose
Joseph 07.06.05 @ 5:48 pmAaaww, is that a tribute to your now dead bunny? (Do you like Untalkative Bunny?)
Ang sweet naman ni Martin!
Eto yung pictures nung reason kung bakit nahinto ang performances sa rock stage ng fete: http://www.pbase.com/gv_garcia/rock_stage&page=3
view succeeding pages na rin. Oh, nandito rin yung punks of antipolo na uber-favorite mo.
–Bart
Bart 07.07.05 @ 7:39 amhi michelle! thanks for all ur comments in my blog..musta cah na? yup..you’re right..mhirap talaga mainlove lalo na kung di mo alam kung ano side nya..worse..if nde ka pla nya love..hay..tpos khit ano gawen mo..halos laht ng cute around u naging crush mo na..after a while..mawala den.tpos you’ll still end up with him..grrr!
sHeYan 07.09.05 @ 3:09 amhi!havent seen u for a week..thanks for all ur comments in my blog..well yeah..hirap mainlove..lalo na if nde inlove sayo un love mo..tpos halos lht ng makita mo na cute..nging crush mo na..tpos it will jst pass after a while..you’ll still end up with him..huhuhu!hay! goodluck na lng sa mga lovelife naten..hehe!!
sHeYan 07.09.05 @ 3:12 amHi Michelle, can’t help but notice the G5 on your drawings. {;) Take it easy.
Reynald 07.10.05 @ 9:49 pmHey sweetie! wag mo dibdibin ang ecoscience at chemistry pero we need it in MEM. suggestment ko, ask ma’am Racquel to help you out. ang galing nya, sana nga sya na lang ang teacher eh because you will really appreciate chemistry.
Meyan 07.14.05 @ 4:46 pmHi Michelle
Ei Onnie 07.31.05 @ 2:15 amFirst of all buti na lang na compensate ng whiz kid mo ang waterloo mo, Math, malapit na un sa Chemistry ah hehehe. Sabi nga pag di ka interesado kahit paano pa explanation syo di mo ma absorb kasi ayaw mo papapsukin sa gridline ng utak mo.isa ibig sabihin noon Michelle di mo type ang subject.One cannot be best in everything, bakit anak ka ba ni Rizal???ako may classmate apo ni Apolinario Mabini, maganda lang sya wala na un lang…Meron din ako bad experience sa Chemistry class ko ng HS days. Kasi sabi ng teacher pagsamasamahin lahat ng chemicals eh magaling kaming umintindi ng Tagalog kaya help lahat ng boys isinalin namin sa isang plastic pail awa ng Dios marami na ospital kasama na ako hehehe.kaya hate ko din yan chemistry tsaka physics kahit sa first row ako punta pa ako sa backrow sabay sleep…sarappp….pero sa biology & literature pati test paper memorize ko.ewan kasi suguro gusto un subjects.
Congratulations ang galing mo talaga di ka kayang hiyain ng harapan ng Shell panel kaya need pa nila deliberation bago ka nila pabalikin. Kelan ka start? Ingat ka lagi kahit di ka mag pray basta paglabas mo ng bahay isispin mo lang ang Diyos one thing sure maghapon mo sya lagi kasama lagi ka wagi…Ingat ka lagi Michelle…